Kilos SAMBAYANAN (Kilos para sa Sampung Batayang Pangangailangan)

KS-Launch-July 16KS TEASER POSTER

Kilos SAMBAYANAN (Kilos para sa Sampung Batayang Pangangailangan), a flagship campaign for the fulfillment of the Ten Basic Needs of the people, will be formally launched at Delpan, Tondo on July 16, 2017.

The National Anti-Poverty Commission under the leadership of Lead Convenor Sec. Liza Maza identifies the ten basic needs such as food and land reform, water, shelter, work and national industrialization, healthcare, education, social protection, healthy environment, peace, and people’s participation.

Kilos SAMBAYANAN is a call for convergence and a commitment among all sectors of society to address poverty across its many dimensions and represents the ultimate measuring stick of the impact of government programs on the lives of the poor.

The campaign is a collaboration of the National Anti-Poverty Commission along with the Philippine Information Authority, Presidential Communications Operations Office, and member agencies under the Human Development and Poverty Reduction Cluster such as the Department of Social Welfare and Development, Department of Agriculture, Department of Agrarian Reform, Department of Environment and Natural Resources, Department of Education, Department of Health, Department of Labor and Employment, Department of Budget and Management, Department of the Interior and Local Government, Housing and Urban Development Coordinating Council, and Commission on Higher Education.

The press launch program includes forum, performances, audio-visual presentations of government services for the poor, information kiosks, and medical-dental services.

For inquiries, contact NAPC Communications and Public Relations Committee at 423-4018 / email napc.comms@gmail.com.

 

Posted in Advocacy | Tagged , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , | Leave a comment

Ang Huling Nazareno (Eli Eli Lama Sabachthani), short film

Ang Huling Nazareno-Islam in Focus Production

Written and directed by Ahmad Javier
An Islam in Focus Production

Cast
Michael Catandihan, Rome Gonzales, Grundy Constantino, Glenn Javier, Joanna Lerio, Bing Crisostomo, and Jessica

Staff
Ahmad Javier (Writer and Director), Ammar Tolentino (Associate Director), Gilbert Obispo (Director of Photography, Film Editor and Sound), Robert Jose (Art Director), Rome Gonzales (Production Coordinator), and Muhammad dela Cruz and Datu Pax Ali (Associate Producer).

Premieres on April 1, 2017
SM Center Sangandaan Caloocan Cinema 4
10:30 AM – 3:00 PM

WITH TALK ON ISLAM AND SOCIAL MEDIA by Princess Habibah Sarip, News Anchor PTV4; Ust. Nur Sawato, Department of Education Head of Arabic Language and Islamic Values Education; Shk. Rashid Indasan, Imam of Masjid Al-Burnhan, Quezon City; and Datu Pax Ali, United Nations Universal Peace Federation Collegiate Ambassador

For inquiries and ticket reservation, contact 09065334391.

See production photos here. Watch Trailer here

Posted in Pelikula, Pelikula / New Media | Tagged , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , | Leave a comment

Only Women Bleed 2, Eksibit at Pagtatanghal Laban sa Karahasan

Tampok sa Only Women Bleed 2 ang obra ng limampu’t anim na kababaihang pintor na nagpapahiwatig ng expresyon at paglilimi hinggil sa nais o nilalabanang imahen ng kababaihan: ang iba’t-ibang papel na sabay-sabay niyang ginagampanan; ang mga mukha ng kagandahan o ng may lihim na pagdurusa; ang katawan bilang lunan ng kapangyarihan at hindi ng mistulang burgis na pagnanasa; ang kalikasan bilang bahagi ng panganganak at pag-aaruga para sa susunod na salinlahi; ang mga alaala bilang hilab ng karanasang trumatiko o kaya ay balon ng pagkamulat; at ang mga panaginip bilang buhay na mithiin ng mga kababaihan para sa sarili, pamilya, at bayan.

Ang mga kalahok ay may iba’t ibang karanasan at pinaghahalawang inspirasyon para sa mga obrang acrylic, oil, watercolor, kape, collage, at mixed-media. Gayunpaman, ang pagsasama-sama sa iisang eksibit ay likha ng bukal na pakikiisa ng bawat alagad ng sining para sa pandaigdigang kampanya laban sa karahasan sa kababaihan at mga bata.

Una sa lahat, ang babae ay isang tao: nagmamahal, nasasaktan, nangangarap, nanlalaban.

Siya ay isang Inang mapagkalinga na ang tanging hangad ay pamanang maningning na bukas para sa anak. Nagbibigay-pugay sa babae bilang ina ang sumusunod na mga likha: “Mothering” ni Christelle Arroyo; “Kalong” ni Ella Hipolito; “Kanlungan” ni Nova Mariposque; “Mother and Child” ni Azzouffe Junsay; “Dekada 50” ni Precy Brady; “Ngiting Pag-asa” ni Marivel Galang; at “The World I Want to Build for You” ni Kay Malilong. Ang mundong nais niyang iwan sa lahat ng bata ay mundong mapayapa na ipinapahiwatig sa “Baging” ni Amy Tuknay Pascual. “Kapayapaan” mismo ang isinisigaw ng obra ni Rhea Pareja, isang bilanggong politikal.

Ang babae ay Inang Kalikasan: diwata, tagapagbantay, o bahagi ng paghinga nito. Siya ay nakatanghod nang may lubos na pasensiya at pag-unawa (“Gaia” ni Trelly Marigza; at “Luna” ni Jacklyn Moya Quintos), o kaya ay buong kagalakang nakikipamuhay kasama ng iba pang bahagi ng pag-inog ng kaisipan (“Dancing with Birds” ni Arlene de Castro Anonuevo). Nangangamba siya sa epekto ng mapanirang proyektong urbanidad, pangangapital at kurapsyon (“Wala na Tayong Masilungan” ni Bennq Zuniga). Bilang likas na mapagkalinga, ubos-kaya niya ring sinasalba ang nangamatay na mga anak (“Pagtangis ng Mundong Buhay” ni Corinne Salazar). Masasabing karugtong ng konseptong pagsalba ang hatid ng “Reef Wall in Tubbataha” ni Corazon Patarata kung saan mararanasan ang bighani ng Tubbataha bilang lunduyan ng mga anak ng dagat bago ito nilapastangan ng US Navy Ship noong 2013.

Ang babae ay Reyna ng Kagandahan. Ipinagdiwang ito sa mga obrang, “Philippine Icon” ni Jerelyn Donguines; “Sangreal 1” ni Daricel Serrano; “Diyosa” ni Cristina Miranda Alsol; at “The Princess” ni Myrna Arines. Isa siyang kagandahang may sariling pag-iisip (“On my Own” ni Reizel Vibal), o kaya ay banal (Totem Pole” ni Bbisai Ya), o kaya ay may sinserong pagsusumikap para sa pamilya (“Manang” ni Grace Trinidad). Bagamat nakangiti, mababanaag sa linya sa kanyang mukha ang mga taon ng pakikipagbuno sa buhay (“Lola Ko” ni Gina Francisco).

Ang babae ay Reyna rin ng Drama. Lapat sa reyalidad at mga tunggalian sa lipunan ang damdamin nito. Ipinadarama ng Women in Dark” ni Wellainee Cachola ang mga hamon sa paghahanapbuhay na kinakaharap ng kababaihan. Represyon naman ang nais ipahiwatig ng mga obrang kabalintunaan: “Chain of Hearts” ni Josephine Velasco; True Lies” ni Laiyan Laiyan; Poison” ni Jam Asuncion; “A Beautiful Occurence” ni Mai Secuban; Deluge of Tears and Broken Promises” ni Sheryl Macawili; Rose Blood” ni Bea Padua; Gold Blood” ni Kayerevz Agustin; “Offer Thyself” ni Aiza Joy Allid; Paghihintay” ni Dyna Ondoy; Waiting in Vain” ni Andrea Torres; at “Cliff” ni Antoinette Hernaez. May partikular na pasaring sa di-pantay na pagturing ang mga obrang “Ikinubling Saloobin” ni Dianne Mae Zamora; In a World Full of Broken Hearts and Judgemental Hypocrites” ni Jo Balbarona; at Equality” ni Sarah Mae Tario.

Ang babae ay si Malakas. Sa pag-iral ng kaayusan kung saan ang babae ay madalas agrabyado, ipinagdiriwang din ng babae ang kanyang katawan, hindi lamang bilang si Maganda kundi paggigiit ng kanyang uri bilang si Malakas. Matutunghayan ito sa mga likhang, “Enlightenment 1” ni Jeanette Kamphuis; “Wild Flower” ni Elizabeth Bustamante; “Left Behind” ni Shalet Llona; “Pusod” ni Vivian Limpin; “Life of a Wife” ni Arra Javier; “The World is my Oyster” ni Janette Calubad; at “Red” ni Jayme Ridad.

Ang babae ay Reyna ng Digma. Siya ay sensitibo (“Pulso” ni Sandra Herber; at “Every Beat of my Heart” ni Cecille Montenegro); mapanuri (Perception” ni Joanne Masing; at Stop EJK” ni Tala Isla Contreras); mapagkasama (Koi” ni Victoria Yasnaya Flores); at may lahing mandirigma (Unfinished Struggle” ni Aisa Lerio; Gwardya” ni Julie Po; at Queen of Swords” ni Melanie Torres).

Bilang panghuling sipi, may kakayanan ang babae na gamitin ang sariling hibla ng dugo upang labanan ang pananahimik, karahasan, kahirapan, diskriminasyon, at pang-aabuso. Ito ang kapangyarihang nais iparating ng “Ang Pulang Sinulid” ni Vida Verzoza. May mahalagang papel ang babae sa panganganak ng pag-asa (“Embracing Hope” ni Yolanda Cabuco; at Untitled” ni Strods Hodreal).

********
Pinangunahan ng Linangan ng Kulturang Pilipino (LKP) at Pinoy na Pinoy Visual Artists Association (PPVAA) ang eksibit sa pakikipagtulungan sa pambansang katipunan ng mga kababaihan, ang GABRIELA. Ito ay natutunghayan sa Sikat Events Place, Tomas Morato, Quezon City mula Marso 18 hanggang 25, 2017.

Sa pormal na pagbubukas ng eksibit, idinidiin ni Gert Libang, Pangalawang Tagapangulo ng GABRIELA, ang mahalagang paglahok mismo ng mga kababaihan sa kilusan laban sa karahasan at pang-aabuso. mula sa pagkilos ng mga kababaihan sa panahon ng Batas Militar ni Marcos, signipikante ang mga naaaning tagumpay ng katipunan gaya ng pagkaroon sa wakas ng Republic Act 9262, ang Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004. Puspusan naman itong iginigiit ng Gabriela Women’s Party sa kongreso bilang ligal na proteksyon ng sektor ng kababaihan at mga bata.

Bilang impresyon ng pagsusuma ng mga obra, natutunghayan sa performance art nina Joanna Lerio, Boyet de Mesa at Rica dela Cruz ang kabalintunaan ng kagandahan at karahasan, maging ang konsepto ng pagtutulungan bilang pagbabangon at pag-aaklas. Ang awit na Babae mula sa Inang Laya ng dekada 80 ay ibinahagi ni Gina Francisco sa saliw ng gitara ni Louie Eslao at interpretasyon sa galaw ng may-akda kasama si Gry Gimena. Nagsilbi itong paalala na ang babae ay maaaring magbagong-bihis mula sa pagiging Maria Clara, Hule, Sisa, o Magdalena na pawang binaliw ng kahirapan o kaya ay pinuta ng piyudal na kaayusan tungo sa pagiging Gabriela, Tandang Sora, Lisa, Liliosa, o Lorena na pawang lumaban at naninindigan para sa tunay na paglaya hindi lamang ng sektor ng kababaihan kundi ng buong pamayanan. Naging ehemplo naman ng kahusayan sa sining ng pagtatanghal si Arlene de Castro na nagbahagi ng tula kasama si Jeneatte Kamphuis na nagsaliw ng biyolin. Sina de Castro at Kamphuis ay kapwa kalahok na pintor sa eksibit.

Sa pormal na pagsasara ng eksibit, isinalaysay ni Sharon Cabusao, Tagapagsalita ng GABRIELA Internasyunal ang kanyang aktuwal na naranasang karahasan bilang bilanggong politikal. Binanggit rin niya na ang isyu ng kababaihan ay hindi simpleng usaping domestiko at ng kasarian. Saklaw nito ang pisikal, sikolohikal, sekswal, ekonomik, kultural, at pulitikal na epekto sa kababaihan sa di-makatarungang kaayusan saan man siya naroon: bilang anak, estudyante, ina, manggagawa, magsasaka, propesyunal, o migrante. Muli niyang pinalaala sa mga alagad ng sining na apektado ang kababaihan sa lahat ng usapin ng bayan gaya ng kurapsyon, kawalan ng serbisyong panlipunan at kawalan ng hustisya. Binanggit rin ni Cabusao na ang sining biswal ay isang mabisang paraan upang makilahok, makatulong sa mga biktima, makapagmulat ng kapwa, at makibaka.

Muling magtataguyod ng eksibit sa Nobyembre ang Linanngan ng Kulturang Pilipino at Pinoy na Pinoy Visual Artists Association sa pakikipagtulungan sa GABRIELA para sa komemorasyon ng International Day for the Elimination of Violence Against Women. Bilang pakikiisa naman sa Pandaigdigang Araw ng mga Manggagawa ngayong Mayo, ang mga kalahok ay magbubuo ng mural para sa nakabubuhay na pasahod at seguridad sa trabaho.

Para sa karagdang impormasyon at pakikipagkolaborasyon, makipag-ugnayan lamang sa LKP: Facebook.com/Linanganng.KulturangPilipino, PPVAA: Pinoynapinoyvisualartists.blogspot.com, at GABRIELA: Gabrielaph.com / gabriela.phils@gmail.com.

Inilathala rin sa Pinoyweekly.org

Posted in Teatro | Tagged , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , | Leave a comment

Bai, Bayan, Kalikasan: A Group Exhibit by Women Artists

Bai-Bayan-Kalikasan Exhibit poster
The opening of the exhibit also launches the 1st CAFPA Certificate of Recognition for Women Artists. The 2017 recipients of the recognition are the following:

Odette Benito Alcantara, Gallery Owner, Cultural Writer, and Advocate of the Environment

Alice Guillermo, Cultural Educator, Writer, Critic, and Activist

Norma Crisologo Liongoren, Gallery Owner and Cultural Activist

Baidy Rico Mendoza, Terracota Art Educator and Clay Artist

For inquiries, contact Manel Contreras at Tel. 2568327 CP 0920.4022295
Email ContreraSculptures@gmail.com

Posted in Biswal | Tagged , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , | Leave a comment

Only Women Bleed 2, Exhibit Opening

Only Women Bleed 2, an all-women visual arts exhibit opened on March 18, 2017 with the following performances: PERFORMANCE ART collaboration by Joanna Lerio, Boyet de Mesa and Rica dela Cruz; POETRY by Arlene de Castro Anonuevo; 
VIOLIN by Jeanette Kamphuis; 
SONG “Babae” (Inang Laya original) by Gina Luz Francisco with GUITAR by Louie Eslao; and DANCE by Joanna Lerio and Gry Gimena.

The exhibit, participated in by 54 professionals and emerging artists in the field of visual arts, is organised by Linangan ng Kulturang Pilipino, Pinoy na Pinoy Visual Artists Association, and Gabriela in support of the Global Campaign to Stop Violence Against Women and Children.

The exhibit is a collection of women’s expressions of the body, nature, work, passion, relationships, poetry, memories, dreams, and human rights.

Exhibit runs until March 25, 2017
@ Sikat Events Place, 305 Tomas Morato, Quezon City, Philippines
Contact Nos. (+63) 905 211 4886 | (+63) 947 100 0239 | (+63) 927 252 9312 | (+63) 917 712 2184
Email 305sikatinc@gmail.com

PARTICIPATING ARTISTS
Aiza Joy Allid, Cristina Miranda Alsol, Arlene de Castro Anonuevo, Myrna Arines, Christelle Arroyo, Jam Marjorie Asuncion, Jo Balbarona, Bbisai Ya, Precy Brady, Elizabeth Bustamante, Yolanda Cabuco, Wellainee Cachola, Janette Calubad, Tala Isla Contreras, Jerelyn Donguines, Victoria Yasnaya Flores, Gina Luz Francisco, Marivel Mari Galang, Sandra Herber, Antoinette Hernaez, Ella Hipolito, Strods Hodreal, Arra Javier, Azzouffe Junsay, Jeanette Kamphuis, Laiyan Laiyan, Aisa Lerio, Vivian Limpin, Shalet Llona, Sheryl Macawili, Kay Malilong, Trelly Marigza, Nova Mariposque, Joanne Masing, Cecille Montenegro, Dyna Ondoy, Bea Padua, Rhea Pareja, Amy Pascual, Corazon Patarata, Julie Po, Jacklyn Moya Quintos, Jayme Ridad, Corinne Salazar, Mai Secuban, Daricel Serrano, Sarah Mae Tario, Andrea Torres, Melanie Lein Torres, Grace Saguinsin Trinidad, Josephine Velasco, Vida Soraya Verzoza, Reizel Vibal, Dianne Mae Zamora, and Lourenz Zuniga.

Check out Aya Tantiangco’s feature, “Using Art to Stop Violence Against Women” and watch the opening performances here.
More photos from the opening performances here.
Follow Linangan ng Kulturang Pilipino.

Posted in Advocacy, Awit at Musika, Biswal, Literature, Midya, Music, Pagtatanghal, Performance, Poem, Teatro, Tula, Visual Arts | Tagged , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , | Leave a comment

FILM REVIEW Alamat ng Hustisya sa Tu Pug Imatuy (The Right to Kill)

Tu Pug Imatuy posterTu Pug Imatuy (2017) Trailer

Inilathala rin sa Pinoyweekly.org.

Palaisipan ng isang millenial: ano ang karapatan ng mga militar upang maghasik ng takot sa mga bata at guro; mang-agaw ng pagkain at tirahan sa dukhang mag-anak; mang-abuso sa kababaihan; at mangdukot, mangtortyur at pumaslang ng magsasaka? At ano naman ang karapatan ng Bagong Hukbong Bayan (NPA) upang umanib sa kabundukan, maglunsad ng digmang bayan, at ipatupad ang hustisya para sa inaaping katutubo?

Binubuksan ng pelikulang, Tu Pug Imatuy (The Right to Kill) ang magkabilaang katanungan sa pamamagitan ng kontemporaryong kuwentong Manobo, ang Alamat ni Sagasa. Sang-ayon sa kuwento na salin ni Dawin (Jong Monzon), ang katutubong ninuno ay namumuhay nang payapa at ligtas katuwang ang kalikasan. Mahusay siyang manghuli ng baboy ilahas bilang pagkaing pinagsasaluhan ng pamayanan. Matapos ang matinding kagutuman dahil sa malawakang pagtrotroso, isang araw ay nagulat ang pamayanan sa sadyang pagkahuli at pagkabitag ng isang makinador ng chainsaw. Bagamat nagdiwang, kinailangang magtago ng katutubong Manobo na mula noon ay binansagang Sagasa. Pinaniniwalaang nanatili siya sa kaibuturan ng kabundukan bilang Diwata o Bathalang Tagapagbantay.

Ang nilahad na alamat ay mistulang babala sa sinumang nanghihimasok sa katutubong pamayanan gaya ng burukrata o dayuhang konsensonaryo sa pagtrotroso at korporasyon ng mina.

Ang kuwento ay nagiging buhay na karanasan ni Obunay (Malona Sulatan), isang ina. Mula sa simpleng gayak sa piling ng mga puno, batis, ilog at talon kasama ng kanyang asawang si Dawin at ng kanilang tatlong anak, iniimbita ang mga manunood sa isang paglalakbay. Sa bawat hakbang at panibagong paghari ng buwan sa lakbayang ito ay mauunawaan ang masalimuot na buhay ng Lumad hatid ng komplikasyon ng pagkagahaman ng iilan sa kapangyarihan at pangangamkam sa yutang kabilin (lupang ninuno).

Sa unang insidente, ang pagkamatay ng bunso na si Awit ay hudyat ng dahilan ng pakikibaka ng mga katutubo para sa sustenableng pagkain at nutrisyon. Ang lehitimong dahilan na ito ay walang saysay para sa mga mersenaryo gaya nina Tinyente Olivares (Luis Georlin Banaag III) at Sarhento Villamor (Jamee Rivera). Higit na mahalaga para sa mga bayarang sundalo ang mahanap ang kuta ng NPA kaysa pakinggan ang konkretong problema ng mga katutubo. Dinukot ang walang malay na ina at ama, hinayupak na pinagtripan at sa huli ay kinaibigan upang maging giya sa malawak na terin. Liban sa pisikal at sikolohikal na pasakit, ang pinakamapait sa internal na pakiramdam ng magulang ay ang maipagkait sa kanila ang pagkalinga sa kanilang mga anak laluna sa panahon ng pagluluksa at kagutuman.

Sa hugot na ito namumuhunan ng lakas si Obunay upang manatiling alisto. Sa pamamagitan ng talas ng tingin at mabudhing pag-iyak, tahasang naipahayag ni Sulatan ang kimkim na ngalit at suklam ng isang babae, ina at katutubo laban sa mga mangingindap-mangagahasang militar. Ang nag-aalburotong katahimikan ay mahusay niyang pinasabog bilang isang tipo ng expresyon nang may komprehensibo ngunit lihim na pagsusuri sa obhetibong kalagayan ng inosenteng mamamayang sapilitang ikinulong at mekanisadong hinulma upang mang-ahas sa kapwa. Ang bulok na istilong ito ay kabisado na ng mga detenidong politikal mula pa mga aral ng panahon ng panunupil ng Espanya at Amerika hanggang sa panahon ng Batas Militar ni Marcos at ng sumunod na mga rehimen.

Binabale-wala ng mga militar ang kapangyarihan ng babae na umaklas sa anumang mapagkubabaw na pagturing. Naging suwabe para kay Obunay ang mailigtas ang guro at estudyanteng mga bata at kananayan na ginawa ring bihag ng pulpol na iskwad. Ang mga militar mismo ay naniniwalang hindi naaabot ng serbisyong gobyerno ang mga liblib na lugar kaya wagas nitong dinedeklara na handog ng NPA ang paaralan sa pamayanang bundok.

Bakit nga ba takot ang gobyerno/militar na matuto ang katutubo na magbasa, magsulat, magbilang at maunawaan ang kasaysayan ng pakikibaka, gaya ng halimbawa, laban sa imperyalismo? Hindi na ito isang palaisipan, bagkus ay nakakatawang katarantaduhan.

Ang pag-atake sa mga paaralan at pagtransporma rito bilang detatsment ay paglabag sa unibersal na polisiyang itinakda ng Pambansang Nagkakaisang Prente (NDF) at ng United Nations: na ang paaralan ay marapat lamang na manatiling ligtas na sanktuwaryo sa gitna ng armadong tunggalian. Ipinakita ng pelikula ang reyalidad ng paglabag na ito na ibayong lumala sa pakanang Oplan Bantay Laya I at II ng dating Pang. Gloria Macapagal Arroyo at Benigno Aquino III. Hinihiling ng sitwasyon ang pagkaroon ng komunidad ng inobasyon upang manatiling buhay. Taliwas sa malisya ng militar na ang hukay sa loob mismo ng pinagtagping paaralan ay pakana ng NPA, sa aktuwal ito ay paunang-taguan ng mga mag-aaral sa tuwinang pagtukmu-tukmong pambobomba sa kabundukan kaakibat ng operasyong kontra-insurehensiya at sadyang pagpapalayas sa mga katutubo (clearing operation) para sa kasalukuyang eksplorasyon ng mina.

Nakakalungkot matunghayan na ang metapora ng kaligtasan ay naging himlayan ng walang kalabang-laban na si Dawin. Ngunit lalu lamang tumibay ang kalooban ni Obunay upang tunguhin ang landas ng katarungan. Sa sumunod na eksenang habulan ay natutuklasang di nag-iisa si Obunay sa hangaring ito. Nagugulantang ang militar sa opensibang kumando ng amasona: mandirigmang NPA na animo’y rebelasyon ng mga ninuno bilang Tagapagbantay na si Sagasa.

Samantala, determinadong isinuong ni Obunay ang masukal na gubat: bawat pagal na hininga ay alay sa mga anak at bawat pag-aalay ay nakatuon sa hustisya. Sa kanyang bawat yapak ay humihiyaw ang lupa patungo sa kuta ng kanyang paglaya.

Ang sumaksak sa inosenteng magsasaka ay sapol ng punglo ng NPA. Ang Tinyente ay binaril ng sarili nitong Sarhento. Ang iba pa ay nabighani sa tradisyunal na patibong laban sa baboy ilahas. At buong tapang na pinagmasdan ni Obunay ang kanilang paghihingalo. Sa puntong ito ay nabibigyang-linaw ang diskurso at pintuho ng radikal na pamagat.

Garapalang umiiral ang militarisasyon bilang kawing ng dayuhang negosyo sa troso at mina mula 1900 hanggang sa ngayon. Sa gitna ng karahasan, nariyan ang mga katutubo upang buhayin muli ang bawat sinalantang bundok, gubat, tubig, at kultura. Ang cameo na pagganap nina Datu Mintroso Malibato at Bai Bibiya-on Ligkayan Bigkay, kapwa bayani sa kontemporaryong epiko ng Lumad ay simbolikong presensiya ng kaalaman sa batas ng digma at ng patuloy na paninindigan ng mga katutubo sa Mindanao upang depensahan at protektahan ang yutang kabilin.

Katubusan para kay Obunay ang muling mayakap ang kanyang mga anak. Ang larawan ng hindi mapag-imbot na bagong silay ng araw sa tuktok ng bundok ay siya ring inaasam ng mga bakwit/refugee na Lumad sa Davao, Bukidnon, Agusan, Compostella, Misamis, Cotabato, at Surigao.

Sa pagdirehe ni Arbi Barbarona, magiliw niyang ipinamalas sa pelikula ang yamang-likas ng bansa. Pasensiyoso niyang ginagabay ang mga manunood bilang kalahok sa lakbayan at nagtitiwalang mapagtanto nila na ang yamang-likas na ito ay nanganganib. Katunayan ay tuluyang mawala kung hahayaang manaig ang pangangamkam ng nasa poder at ng pagsasalsal nito sa impyunidad. Sa paraang vérité, mauunawaan na ang mga kapatid na Lumad ay dalisay lamang ang mithi para sa yamang-likas kaya handa rin siyang gisingin ang likas na katangian sa pakikidigma sa ngalan ng komunal na pakinabang.

Hindi biro ang piniling paksa ng pelikula sa sinserong panulat ni Arnel Mardoquio na halaw sa 2014 testimonya ni Ubunay Botod Manlaon ng Talaingod, Pantaron Range. Ang kanyang salin sa alamat ay mahalagang maisiwalat sa lahat ng millenial para sa ibayong pag-unlad ng kuwentong-Lumad sa susunod pang salinlahi.

Dinidiin ng saliw na kudlong ang diwa at praktika ng Alamat ni Sagasa bilang nakaugat sa usapin ng lupa kaya naman sa lohika rin ng hinaing ng lupa mabubungkal ang hustisya. Hindi madali ang prosesong ito ngunit sa tamang pagpanig ay sisibol rin ang pag-asa gaya ng pagsalubong sa ulan ng mga buto ng mongo.

Namumutawi ang awit-habilin ng chanter na si Anna Pillabon: “ang bayani, gaya ng matikas na kabayong si Laisan, na isa-isang ginapi ang kaaway at pinagtagumpayan ang bawat laban, ay nararapat lamang kalingain upang higit pang maging matapang alang-alang sa sambayanan”.

Ang Tu Pug Imatuy (The Right to Kill) ay kolaborasyon ng Red Motion Media, Kilab Multimedia, Sine Mindanaw, Yellow Kite Production, Skyweaver Productions, at pamayanang Lumad. Nagwagi ito ng anim na karangalan sa Ikatlong Sinag Maynila Film Festival (Pinakamahusay na Pelikula, Panulat, Direktor, Sinematograpo, Aktres, at Pangmusikang Iskor).

Sanggunian

Andag, R. at V. Retuerma. “The Anti-Terrorism Act in the Philippines: a Human Rights Critique.” Philippine Human Rights Information Center Occasional Papers No. 1, Nov. 2006.

Anderson, P. at J. Menon (eds.). Violence Performed: Local Roots and Global Routes of Conflict. Palgrave Macmillan: 2009.

Butler, J. Precarious Life: The Powers of Mourning and Violence. Verso: 2004.

cinemaMulat Production. Salugpungan: Kasaysayan ng Pagkakaisa at Pakikibaka ng Ata Manobo para sa Lupang Ninuno. Dokyumentaryo, 2008.

Dangla, D. “A Story of a Volunteer Teacher to Manobo Children.” ManilaToday.net, 8 Dec. 2014.

Dumas, M.L.G., C.G. Musni, M.F. Somogod. “People’s Rights in Peripherals: Lumad Rights in the Last 18 Months of President Aquino III.” Rural Missionaries of the Philippines and Northern Mindanao Sub-Region (RMP-NMR) Inc. Rmp-nmr.org, 2012.

Evans, G., J. Goodman, at N. Lansbury. Moving Mountains: Communities Confront Mining and Globalization. Zed Books, 2002.

IPCM. “International People’s Conference on Mining Plenary Presentations and Workshop Resources.” Peoplesminingconf.net, 2015.

Kalikasan People’s Network for the Environment. “Where are the Trees? Examining the State of the Philippine Forests”. Kalikasan.net, 2011.

Karapatan. “Oplan Bantay Laya: Blueprint for Terror and Impunity (Karapatan 2009 Year-End Report on the Human Rights Situation in the Philippines).” Karapatan.org, 2009.

Karapatan. “The Human Rights Situation Under the Aquino Presidency (Karapatan 2015 Year-End Report on the Human Rights Situation in the Philippines).” Karapatan.org, 2015.

Kilab Multimedia. Defend Talaingod: The Lumad’s Quest for Justice. Dokyumentaryo. 2014. <Youtu.be/3gfr5PyTKHM>

Koutsourakis, Angelos. “The Dialectics of Cruelty: Rethinking Artaudian Cinema”. Cinema Journal Vol. 55, No. 3, Spring 2016 pp. 65-89.

Maranan, L. (ed.). Customary Laws and Free, Prior and Informed Consent. Philippine Task Force for Indigenous People’s Rights. 2013.

Masinaring, M.R. Understanding the Lumad: A Closer Look at a Misunderstood Culture. Tebtebba Foundation, 2011.

Montero, H. Pahiyum ni Boye (Boye’s Smile). Dir. H. Montero. Tauhan M. Dumala, J. Mantikinon, S. Guimboloy at R. Guimboloy. Pelikula, 2014.

Montero, H. Pakot (Wild Boar). Dir. H. Montero. Tauhan M.A. Alapag, J.M. Vegas, at M. Malibato. Prod. RedWerkz Productions at Red Motion Media. Pelikula, 2015.

National Democratic Front of the Philippines. The GRP-NDFP Peace Negotiations Major Written Agreements and Outstanding Issues. 2006.

National Union of People’s Lawyers. Extrajudicial Killings and Disappearances: Impunity in the Criminal Justice System. 2011.

Office of the United Nations High Commissioner for Human Rights. “The Core International Human Rights Treaties.” 2006.

Quizon, C. “Dressing the Lumad Body: Indigenous Peoples and the Development Discourse.” Humanities Diliman Vol 9, No 2, 2012.

Ragragio, A. M. “The Bakwit of the Talaingod Manobos.” DavaoToday.com, 6 Apr. 2014.

Sison, J.M. “The People’s Struggle for a Just Peace.” International Network for Philippine Studies: Netherlands, 1991.

 

Posted in Pelikula / New Media | Tagged , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , | Leave a comment

Only Women Bleed 2, an All-Women Painting Exhibit

Only Women Bleed 2 Exhibit

Exhibit organised by Linangan ng Kulturang Pilipino, Pinoy na Pinoy Visual Artists Association, and Sikat Events Place for the benefit of GABRIELA’s Program to Stop Violence Against Women and Children.

Exhibit Opening and Reception
March 18, 2017 | 5-8PM
Sikat Events Place
305 Tomas Morato, Brgy. South Triangle, Quezon City

Exhibit runs from March 19-25, 2017.

PARTICIPATING ARTISTS
Kaye Agustin | Aizza Joy Mapanao Allid | Cristina Miranda Alsol | Arlene de Castro Anonuevo | Myrna Passion Arines | Cristy Arroyo | Jo Antonio Balbarona | Laiyan Loida Balubayan | Precy de Guzman Brady | El Bravo Bustamante | Yolanda de Castro Cabuco | Wellainee Cachola | Tala Contreras | Arra Fenela | Cecille Montenegro Florentino | ‪Yasnaya Suarilla Flores | Gina Luz Francisco | Azzouffe Berbasa Junsay | Laiyan Laiyan | Aisa Lerio | Shallet Lona | Lucille Karen Malilong | Joanne Masing | Bea Margaret Padua | Cora Patarata | Julie Po | Jacklyn Moya Quintos | Sher Ry | Grace Saguinsin | Mai Secuban | Dada Serrano | Aya Shobe | Sari Tario | Vida Soraya Verzosa | Bbisai Ya

Posted in Biswal, Visual Arts | Tagged , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , | Leave a comment

Travel the Dreamtrips Way

1 www.Juanalilytravels.dreamtrips.com refer

Travel the Dreamtrips way. SIGN-UP here to avail member tour packages: www.Juanalilytravels.dreamtrips.com/refer SIGN-UP here to join the homebased travel business www.Juanalilytravels.worldventures.biz

Posted in Paglalakbay | Tagged , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , | Leave a comment

Karnabal Festival 2016 – IDEA Exchange Platform

TokTokTalk_Program-Karnabal festival 2016

Artists’ talk, cultural exchange, works-in-progress, and performances happening in Quezon City from June 1-12, 2016. Organized by Sipat Lawin Inc.

More info here: Karnabalfestival.com and Facebook.com/karnabalfestival.

Posted in Festival | Tagged , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , | Leave a comment

Make Money While Travelling

2 www.Juanalilytravels.dreamtrips.com master banner G+

JOIN THE WORLD’S LEADING TRAVEL CLUB! Sign up here: www.Juanalilytravels.worldventures.biz


Four Steps to Make Money While Travelling

STEP 1: Attend a Travel Preview
The world’s leading travel club, World Ventures – Dreamtrips, is open for members who love to travel, to earn while travelling, and to volunteer for communities in need. You will learn the benefits of being a member of the club through Travel Preview / Orientation. For schedule, skype conference, and/or one-on-one and group sessions, contact Sponsor Representative Joanna Lerio through lilyjuana@gmail.com | +63998.9607545 | Skype Joannaelrio2.

STEP 2: Sign-up Online
It is very easy to register as a member online. Just visit www.Juanalilytravels.worldventures.biz. Click SIGN-UP then choose the type of membership you want. I recommend you take the Platinum Membership with Representative Business System (RBS) to avail of maximum benefits. These include receiving priority travel package and training offers, as well as higher travel points/bucks and other membership rewards.

STEP 3: Set-up Your Personal Booking Engine, and Travel Site
As a World Ventures – Dreamtrips Travel Club member, you are provided with a personal booking engine. When you sign up with Representative Business System, you are also provided  a travel business site and international IT support. For direct technical assistance, you may contact your Sponsor Representative Joanna Lerio through lilyjuana@gmail.com | +63998.9607545 | Skype Joannaelrio2.

STEP 4: Book a Dreamtrip
Browse through your own Dreamtrips travel website that features a vast number of tour packages from various islands, historical places, cultural events, and enchanting natural heritage sites. Expect from these tours to experience high-end facilities, VIP treatment, serenity, and fun. You can go solo, with a loved one, with families and friends or co-workers. When you have not attended a Travel Preview yet or have signed up online, you may also browse through my site: www.Juanalilytravels.dreamtrips.com/refer.

Start your journey to fun, freedom, and fulfillment! You can earn while travelling. You can even earn while sleeping. You can make a living…truely living.

For inquiries and assistance in signing-up/registration, contact Joanna Lerio as your Sponsor Representative through lilyjuana@gmail.com | +63998.9607545 | Skype Joannaelrio2.

Posted in Paglalakbay | Tagged , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , | Leave a comment