GABRIELA 25th Theme Song


Song by Sining Lila GABRIELA-Philippines

Ang bisig na nagkanlong
Sa sanggol na mahal
Ay bisig na nagtanggol
Sa bawat labanan
Tayong lahat, ina na matatawag
Di man nagsilang ng anak sa liwanag
Alay ang buhay sa bayang iniibig
Isabog ang sampaga
At ang halimuyak niyang hatid

Refrain

Sulong Gabriela, sumulong
Sulong, lumaban at lumaya
Ang ilaw ng tahanan
Sulo na gagabay
Tatanglaw sa masukal na daan
Kidlat na gumuhit, kayliwanag ng langit
Sulong Gabriela, sumulong kapatid

Bayani ng panahon, halina’t sumulong
Mga kabaro, kasama sa pagtindig
Singtindi ng araw ang apoy sa dibdib
Singtalim ng tabak, asintang walang mintis
Ang nasang paglaya, sa panahong makamit
Isabog ang sampaga
At ang halimuyak niyang hatid

Sulong makibaka, Gabriela
Sulong, lumaban at lumaya
Ang ilaw ng tahanan, sulo na gagabay
Tatanglaw sa masukal na daan
Kayliwanag ng langit
Sulong Gabriela
Sulong, tumindig
Sulong Gabriela
Sulong, tumindig

Advertisements

About Joanna Lerio

cultural journalist, multidisciplinary artist, educator, traveller, dreamer, yogini, vegetarian, advocate Facebook.com/JoannaLerioOfficial Youtube.com/juanalily Juanalily.wordpress.com/ Juanalilytravels.dreamtrips.com/refer Twitter.com/JoannaLerio Facebook.com/linanganng.kulturangpilipino Artistswelfare.org/join-us/
This entry was posted in Awit at Musika and tagged , , , , , , . Bookmark the permalink.

Comments

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s