Isang pambansang komperensiya bilang pasinaya sa ika-200 anibersaryo ng kapanganakan ni Apolinario dela Cruz ang inilunsad ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas (National Historical Commission of the Philippines / NHCP) sa GSIS Theater Pasay City mula Hulyo 18-20, 2014.
Katuwang ng NHCP ang GSIS Museum, ADHIKA, Pambansang Komisyon ng Kultura ar mga Sining sa Pilipinas (The National Commission for Culture and the Arts/NCCA), Department of Education (DEPED) at Commission on Higher education (CHED). Dinaluhan ito ng mga guro mula elementarya hanggang hayskul.
Kabilang sa mga panayam ang sumusunod:
- Kapatiran and Kapwa: The Filipino Identity and Sense of Belonging ni NCCA Chair Felipe de Leon, Jr.
- Dr. Setsuho Ikehata’s Popular Catholicism in the 19th Century Philippines: The Case of the Cofradia de San Jose ni Prof. Leslie Bauzon, PhD (National Research Council of the Philippines)
- Si Hermano Puli bilang Mahalagang Paksa sa Kasaysayan , bilang Mahalagang Yugto sa Agos ng Kasaysayan ng Bayan ni Prof. Ferdinand Llanes, PhD (UP Diliman)
- Ang Batayang Pagtuturo ng Kasaysayan ni Hermano Puli ni Quennie Palafox (NHCP Research, Publication and Heraldy Division)
- The Inclusion of Puli Story in the Curriculum and Other School Activities ni Enrique Palacio, PhD (DepEd Program Specialist)
- Kung Bakit 1815 Ipinanganak si Hermano Puli: Mga Batayang Historikal at Konsiderasyon ni Ian Alfonso (NHCP History Research)
- Hermano Puli: Ang Kristo ng mga Indio ni Prof. Luis Dery (DLSU / Philippine Historical Association)
- Isang Hulyo, Dalawang Puli ni Prof. Vim Nadera, PhD (Philippine High School for the Arts / UP Diliman)
- Cofradia de San Jose: mga Tala ng Kasaysayan ni Ryan Palad (GSIS Museum / ADHIKA ng Pilipinas)
- Ang Cofradia Phenomenon sa Timog Katagalugan: mga Pagmumuni sa Pananampalatayang Pilipino ni Prof. Jaime Veneracion, PhD (UP Diliman, ret.)
- Ang Lalim ng Debosyon ng Kapatiran ni Hermano Puli ni Prof. Lars Raymund Ubaldo (DLSU)
- Bakit Laging Talo? Revisiting the Rebellions of the 18th and 19th Centuries ni Prof. Milagros Gurrero, PhD (UP Diliman, ret.)
- Pangangayaw Moro, Entradang Kolonyal: Kontekstong Pangkasaysayan ng Kilusang Bayan at Pag-iilihan ni Gat. Puli sa Timog Katagalugan ni Prof. Vicente Villan, PhD (UP Diliman)
- Ang Pagsasanib ng mga Daigdig ni Apolinario dela Cruz, Francisco Balagtas at Domingo Roxas, 1832-1841 ni Prof. Dwight Diestro (UP Los Baños)
- Si Hermano Puli at ang Diwa at Pag-aanyo ng Paghihimagsik sa Kasaysayan ng Kapilipinuhan ni Prof. Zeus Salazar (BAKAS)
- The Interrogations of 1841: Revealing the Secrets of the Cofradia de San Jose ni Prof. Celestina Boncan, PhD (UP Manila)
- Si Octavio Ygnacio de San Jorge ng Confradia de San Jose ni Prof. Rhina Alvero Boncocan (UP Los Baños)
- Hindi Mabini: Pagtuturo at Popularisasyon ni Apolinario (dela Cruz) sa Kasaysayan ni Prof. Michael Chua (DLSU / Xiao Time)
- Si Hermano Puli sa Panahon ng Social Media ni Lourd de Veyra (TV5)